nawawala!!!!

Abril 30, 2008 at 8:06 umaga (Uncategorized) ()

nitong mga huling araw eh nasa lahat ng uri ng media ang sinasabing “Rice Shortage”….

ang tanong dito kung meron nga ba talagang rice shortage oh ang shortage na itoy plinano ng matagal na panahon para protoektahan ang iilan??

hanggang sa mga oras na it ay patuloy parin tayong naghahanap….nasaan na nga ba? may bigas pa oh kailangan ko ng magtago?

wala talagang kakulangan sa bigas

sa aking sariling opinyon ay

meron lamang mga taong nagtatago, nagtatago ng bigas para itoy maiging mahal sa merkado.. sa katunayan ay wala lang talagang shortage…kaya lang nagkakaroon ng shortage ay sapagkat may nagpakalat ng issue ito. sa kung anong dahilan hindi ko alam kung bakit. pero isa lang ang totoo ngayon naging totoo ang shortage sapagkat nagpanic buying ang mga pilipino at nagimbak ng mga bigas na sana ay tama lamang para sa supply ng pilipinas.

isa pang punto. napansin nyo bang may mga nawalang isyu simula ng pumutok ang isyu sa bigas.! isang halimbawa ay ang kaso laban sa gobyerno at ZTE deal. tinabunan ng bigas ang isyung ito kaya unti unti itong namamatay. kung sino man ang nasa likod ng mga ito isa lang ang sigurado. magaling ang taktikang ginamit nyo para pumatay ng isyung sanay papatay sa inyo!

Permakawing Mag-iwan ng Puna

bigas bigas bigas

Abril 27, 2008 at 7:11 umaga (Uncategorized) ()

nasan na nga ba tayo sa usapin ng rice shortage? siguro patuloy parin tayong naghahanap ng kasagutan kung totoo ngang may rice shortage. o sadyang itinatago lamang ito para mapagusapan. hindi kaya may mga taong sinasadya ang pagtatago para patuloy na tumaas ang presyo nito at patuloy silang makinabang?! tanging sila lang ang nakakaalam!

Permakawing 1 Puna

mabuhay!

Abril 27, 2008 at 6:59 umaga (Uncategorized) ()

hindi ko alam kung bakit nga ba ako nahihilig sa blog. ewan ko ba siguro ako din makakasagot ng tanong ko kasi sarili ko to eh. naisip ko ang na ang maging title nito ay “pinoyreader” kasi wala lang gusto kong maging isa sa mga taong binabasa ng kung sino sino sa isang araw. gusto na minsan eh ma-tv din ako! wow social taas ng ambisyon ko diba!? pero yung totoo dapat talaga ay mataas ang ambisyon mo sa buhay sabi nga  nung kanta “aim high shoot low” (tama ba) o basta yun dapat mataas kang mangarap pero sa pagabot ng mga pangarap mong yon eh dapat mababa ka parin!

Permakawing Mag-iwan ng Puna