nawawala!!!!
nitong mga huling araw eh nasa lahat ng uri ng media ang sinasabing “Rice Shortage”….
ang tanong dito kung meron nga ba talagang rice shortage oh ang shortage na itoy plinano ng matagal na panahon para protoektahan ang iilan??
hanggang sa mga oras na it ay patuloy parin tayong naghahanap….nasaan na nga ba? may bigas pa oh kailangan ko ng magtago?
wala talagang kakulangan sa bigas
sa aking sariling opinyon ay
meron lamang mga taong nagtatago, nagtatago ng bigas para itoy maiging mahal sa merkado.. sa katunayan ay wala lang talagang shortage…kaya lang nagkakaroon ng shortage ay sapagkat may nagpakalat ng issue ito. sa kung anong dahilan hindi ko alam kung bakit. pero isa lang ang totoo ngayon naging totoo ang shortage sapagkat nagpanic buying ang mga pilipino at nagimbak ng mga bigas na sana ay tama lamang para sa supply ng pilipinas.
isa pang punto. napansin nyo bang may mga nawalang isyu simula ng pumutok ang isyu sa bigas.! isang halimbawa ay ang kaso laban sa gobyerno at ZTE deal. tinabunan ng bigas ang isyung ito kaya unti unti itong namamatay. kung sino man ang nasa likod ng mga ito isa lang ang sigurado. magaling ang taktikang ginamit nyo para pumatay ng isyung sanay papatay sa inyo!